Posts Tagged ‘salamat’

Ang kuwento ni Earl… (+appreciation)

August 18, 2009

Isang araw, may isang taong nagpakuwento sakin . Iblog ko daw siya. Iyan natupad ko na. Salamat!

Bago ang lahat, nais kong magpasalamat sa lahat ng nagview sa blog ko. Hindi niyo alam kung gaano niyo ako napasaya! Salamat!

At dahil nga nasimulan ko na sa pasalamatan, ang topic naten ngayon ay (cue: tereren-tenen!) Appreciation! Hay, alam ng lahat iyan. Madaming interpretasyon. Isa-isahin natin.

Para sa akin, ang “appreciation” ay isa sa mga basic needs ng tao. Ito yung isang bagay na pumipilit sa ating ipagpatuloy ang ating mga ginagawa sa araw-araw. Kumbaga nga sa physics, ito yung gravity na pumipilit sa ating bumaba sa lupa. (buti na lang hindi nakakapagpabigat ang appreciation.)

As said by one of my fave books, “Don’t deprive any one of appreciation and hope, because maybe, that is all they have.” Tama nga naman. Wala naman kasing nakakailala sa isang tao ng lubusan. Hindi natin masasabing ayaw nga talaga ng isang tao ang isang bagay sa pagsasabi niya ng “ayaw ko!” E ang pisikal nga na anyo ng tao e d p natin kilala, yung nasa loob pa kaya? (Uuuyy. Sino may maiitim na kasingitan diyan?!)

Mahalaga din naman ang appreciation sa wika. Isipin niyo nga. Kung hindi natutong mag-appreciate ang mga Neanderthal noon, e di sana wala ngayong ‘Salamat’, ‘Thank You’. Kung wala yung mga salitang yun, e di wala ding ‘Welcome’. Kung walang welcome, e di sana hindi nakilala ang mga Pinoy sa pagiging warm and hospitable. At kung hindi tayo nakilala sa pagiging ganon, siguro tuldok lang ang bansa sa mapa ngayon. Kadaling burahin.

Pati sa trabaho, malaking factor ang appreciation. Isipin niyo. Kung walang nagpapasalamat, may mga caregiver pa kayang magtiyatiyagang mamahid ng puwet ng mga banyaga? May mga construction worker pa kayang magmimistulang trabaho ang magsun-bathing? May mga guro pa kayang magtiyatiyagang maki-in sa mga batang wangis na ng puwet ng manok? At higit sa lahat, sisikat pa kaya si Mar Roxas, Manny Villar at iba pang mga nangangampanyang nangangampanya na, e ang aga-aga pa?

Malaki ngang factor ang appreciation sa buhay ng tao. Ito, para saking ang pagkain ng damdamin, ng kaluluwa. Binubusog nito ang gutom na puso, at binibigyan ng enerhiyang magpatuloy pa sa buhay. (nosebleed)

Kaya hindi dapat ipinagkakait ang appreciation sa lahat. Di’ba, pagkain yun (ng kaluluwa)? At saka ang simple lang sabihin ng “Salamat!”. Pero malaki ang nagagawa.

Ating tandaan: dapat tayong mag-appreciate. Do to others what you want others to do unto you. Kung gusto mong maapreciate ka, mag-appreciate ka din. Para bongga!

Okay? Okay!

P.S.
Salamat talaga!!! Nawa’y suportahan niyo pa din ako. Bakit? Para bongga!! Hehehe!!