Paniniwala

November 30, 2010

Kani-kanina lang, habang hinihintay ang family guy (nakakatawa siya, promise!), tinamad mejo yung mata ko, kaya sinwitch ko muna yung channel sa CNN. May iniinterview si Anderson Cooper na Texas lawmaker na kinukwestyon, or more appropriately, hindi naniniwala sa, ang citizenship ni Obama. Kasi diba pag hindi ka citizen, ineligible kang maging presidente ng isang bansa? Mainit yung debate nila. Magaling mambara si A.C. Sa kadulu-duluhan, inamin din ni Mr. Texas na kaya siya hindi naniniwala e dahil walang nirerelease na dokumento si Obama dahil, ultimately, gusto niya ng privacy. And to conclude, sabi niya sa CNN na ibibigay niya ang public mailing address niya para padalhan sya ng CNN ng congressional facts regarding the issue.

This is a great metaphor of how we accept or condemn an idea, or how we believe. Paano, or ano ang kailangan nating makita, marinig, madama o madilaan para ijudge ang isang bagay as fact, or para mag-object sa isang subject matter? It turns out that most of us, like Mr. Texas (hindi ko maalala ang pangalan, sensya.), demands evidences before we believe in something. Kahit na sabi ng CNN na 71% ng america ay naniniwala na citizen si Obama, may relatively large percentage pa din (27%) na doubtfuls. At kahit anong mangyare, most of us need concrete proofs bago maniwala, dahil hindi lang naman ang citizenship ni Obama ang issue ng mundo.

And in a way, ang debateng ito ay isang napakagandang simulation ng ating paniniwala tungo sa relihiyon.

WARNING: Kung deboto ka, yung tipong naglalakad ka paluhod papuntang altar ng baclaran church, humanda kang ma-offend, or in the least mag-object. Kung deboto kang hindi open-minded, iclick mo yung pulang square na may eks sa upper right-hand corner ng iyong browser, bago kita hipan palayo dito. Liberal na issue ang relihiyon, kaya hindi ibig sabihin na hindi ako naniniwala sa relihiyon, kundi gusto kong talakayin ang kontrobersyal na bahagi nito.

Game, kung ating ihahambing, ang 70% ay ang mga believers, ang 20% ang mga atheists, si Anderson ang deboto, si Mr. T ang ateyista, at ang issue ay relihiyon. Sinasabi ng ateyista na kaya hindi siya naniniwala ay dahil wala siyang makita. Sabi niya kailangan niya ng “congressional facts,” na nirerepresent, more or less, ang candid pics ni Jesus, video footage ng mga santo, autograph ni God. Or, more crucially, kailangan niyang makita ng face to face ang mga holy beings na ito, kasi sa panahong ito, ano pa nga ba ang hindi napepeke.

Luma na tong point of view na ito, pero reasonable pa din. Nga naman, wala silang konkretong pruweba. Maniniwala ka bang may Santa Claus kung di mo pa siya nakita, o kung hindi ka pa nakakarecieve ng regalo mula sa kanya, na may pruwebang sa kaniya mismo nanggaling? Hindi, pwera lang kung bata ka pa; batang wala pang konkretong pananaw sa buhay.

Hindi issueng pambata ang relihiyon. That means, ang tumatalakay dito ay mga taong mature na ang pag-iisip, tipong nireregla na, para maabsorb ang both sides ng argument. At ang mature na pagiisip ay laging nangangailangan ng pruweba, marahil exception dito ang relihiyon. Marami satin ang naniniwala sa bibliya, sa milagro, sa palaspas, sa krus, sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo, pero marami sa “maraming” iyon ang hindi nalilinawan sa pinaniniwalaan nila. Alam ba nila kung saan nagmula ang bibliya? Ang pinagmulan ng penitensya? Ang kapital ng heaven? Hindi, at marami sa “maraming” iyon ay hindi susubukang malaman ang mga sagot.

So in short terms, kaya maraming hindi naniniwala sa relihiyon ay dahil walang immediate answers. Palaging kailangang manggaling sayo ang mga sagot na hinahanap mo. Or at least sa mga experience mo. Hindi naniniwala ang mga ateyistang may Diyos dahil hindi nila siya nakita o naramdaman, at hindi dahil mahilig lang sila sa pabaligtad na star.

So kung tutuusin, yung mga taong naniniwala sa kahit anong relihiyon nang hindi nagrerequire ng pruweba ay mga tanga. Bakit ka maniniwala kung hindi mo pa naramdaman si Lord? Bakit ka maniniwalang may Allah kung hindi pa niya natotouch ang buhay mo? Ang paniniwala ay dapat ibinabase sa sariling pananaw, sa sarili mong experience. Hindi ka dapat naniniwala nang basta lang, pwera na lang kung 5 years old kang bumabasa dito, o kung pang 5 years old lang ang utak mo. Kung ganun ka, nawa ay lumaki na agad ang utak mo, sayang kasi.

Ating Tandaan: Ang paniniwala, tulad ng respeto, ay di lang dapat binibigay, kundi ini-earn. Kung mature kang talaga, mayroon kang rasyonal na dahilan kung bakit ka naniniwala sa isang bagay, o kung bakit hindi. AT mag-ingat ka sa mga bagay na pinaniniwalaan mo dahil hindi lahat nito ay tama, o totoo. (Google “Jonestown.”) At kahit saang bagay, relihiyon man o anupaman, may naniniwala at may hindi, at hindi ito kasalanan. Sa tingin ko, dapat pa nga natin silang hangaan, dahil ipinakikita nila na ginagamit nila ang kanilang utak depende sa sarili nilang paningin.

At, no offense, pero hindi ako atheist, duh?

P.S.
May sakit ako ngayon. Good luck sakin. Senyo rin.

One Response to “Paniniwala”

  1. nanay wella Says:

    anak hindi lahat ng bagay dapat munang makita o madama bago paniwalaan,,, yun ang tinatawag na faith at hindi dahil may faith ka ay tanga ka na bagkus matalino ka dahil nalaman mo at naunawaan ang isang bagay na bihira lang ang nakakaalam at nakakaabot ng pangunawa… ang relihiyon ay nasa puso,,, ta kung tatanungin ako kung may kapital ang heaven bago masabing may heaven … ay naku…tanong din ang sagot ko… “kailangan pa bang i-memmorize yan?” hehehe!! Good job anak,,, two thumbs-up!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: