Archive for September, 2010

Development of a Story…

September 25, 2010

Blangko ang utak ko ngayon. Sa totoo lang, ayokong sumulat, pero sa tingin ko, dapat. Pero talagang wala akong maisip na topic. Ewan ko ba kung bakit, pero talagang walang laman ang utak ko. O baka naman wala lang akong utak. O baka naman nagfifreesbie yung utak ko habang nagsusulat yung kamay ko. Hay, misteryoso talaga ang katawan ng tao.

Pero sa totoo lang, sa tingin ko, wala akong maisip kasi ayaw ko talagang mag-isip. Kumbaga hindi sa hindi ko kayang mag-isip kundi dahil hindi ko gustong mag-isip. Hindi sa wala akong kakayahan kundi dahil tinatamad ako. Hindi sa uminom ako ng soymilk kundi dahil sa uminom ako ng kape. Kaya ko, pero ayaw ko. Pero ginagawa ko pa din ngayon.

Ibig sabihin, hindi ako makasulat ng matino kasi hindi matino ang utak ko. Hindi ko alam kung ano ang gusto kong isulat. Hindi ko alam kung paano ako susulat. Hindi ko alam kung bakit ako susulat. Siguro, talagang parang high lagi ang utak ko. Pero siguro din, natatakot yung utak ko. Napapraning. Na-iintimidate.

Oo, na-iintimidate. Hindi ko matagalog, pasensya na. Ewan ko kung bakit. Feeling ko sa bawat pagtype ko sa keyboard, kakanta ako sa tabi ni Celine Dion. Feeling ko makikipagbowling ako kay Paeng. Feeling ko makikipaglangoy ako kay Dugong. Na-iintimidate ako.

Maraming beses na rin tong nangyari sakin. Palagi, kung tutuusin. At dahil extensive experience, alam ko medyo kung anong dahilan nun. Una, perfectionism. Ako ang tipo ng tao na takot magkamali. Ayoko ng may typo. Ayoko ng may erasure. Ayoko ng wrong grammar. Ayoko ng worgn splellign. Pero higit sa lahat, ayoko ng hindi perfect; hindi perfect in a way that it doesn’t impress. Sa tingin ko, that is my best flaw. Why? Next paragraph please.

Kasi dahil sa perfectionism, namomotivate ko ang sarili ko na magstrive pa. I acquire the courage to push myself into the wire. Napapaganda naman nun yung sinusulat ko kahit papano. Pero dahil din sa perfectionism, mas nakikinig ako sa iba. Madalas, mas naririnig ko ang mga bulong nila kesa sa mga sigaw ko. Kaya madalas, pag pinakikinggan ko yung recorder, feeling ko hindi ako yung nagsasalita. Tapos marerealize ko, hindi nga ako kundi ang natitirang bahagi ng mundo.

Bakit ko kailangang makinig? Dahil binigyan ako ng tenga. Pero bakit kailangan kong makinig sa mga bulong nila? Para ba bumango ang bibig ko pag nagsasalita ako? Bakit pa ko binigyan ng mata kung hindi ako oobserba? Bakit pa ko binigyan ng utak kung hindi ako mag-aanalyze? At bakit pa ko nagkaroon ng bibig kung hindi ako magsalita? Sa tingin ko, mabuti nang maamoy nilang may bad breath ako kesa sabihin ko ang mga mababango para sa kanila. Maglilisterine na lang ako.

Pangalawa, inhibition. Hindi ko rin matagalog, pero ito yung pakiramdam na pinipigilan mo yung sarili mong mag-achieve kasi feeling mo hindi mo kaya mag-achieve kasi sa tingin mo wala kang karapatang mag-achieve kahit meron naman at kaya mo namang mag-achieve pero ayaw mo nga kasi sa tingin mo hindi mo kapalarang mag-achieve at (hingang malalim.) dahil dun hindi ka na susubok mag-achieve. Alam kong hindi mo naintindihan, okay lang yan. Sinadya ko yan.

Pero kidding aside, isa ang inhibition sa mga bagay na nagpapabagsak sa mga tao. Failure always tails inhibitions. Isipin mo pano kung ganyan si T. Eddie (edison)? E di madaming buntis? Pano kung ganyan si Mitty King (luther king)? E di sana slaves pa din ang mga black? At pano kung ganyan si Gloria? Wala naman sigurong mangyayari pag ganyan siya. Pero ang point, walang limit ang achievement ng tao sa parehong paraan na walang ilalim ang bottomless iced tea. Kung kaya mong mag-achieve, go lang! Kung hindi mo kaya, behlat. Basta hangga’t kaya, go! Tumigil ka lang pag naabot mo na ang Betelgeuse. O kaya pag nasakop na ng Pilipinas ang US.

Ikatlo, takot ka lang sa pagbabago. Ayan natagalog ko na (dapat need for permanence yan.)(baka kasi isipin niyo na sossy na ko dahil paenglish english na ko.)(hindi ako ganun no! Hindi porket nakapunta akong US lumaki na ulo ko.)(well maybe physically, but never figuratively.)(At hindi lahat ng nagUUS, nagkaka-accent.)(Duh?)Ayun.

Where were we? Oo, takot sila sa pagbabago, at ang takot na yun ang pumipigil sa kanila. Parang inhibition lang, pero involved yung pagbabago. Pero common sense! Kung walang pagbabago, siguro nakabahag pa din tayo ngayon. Siguro flat pa din ang mundo. At siguro uod pa din ang ginagamit sa spaghetti. Mahalagang bahagi ng mundo ang pagbabago. At kahit pigilan natin, magbabago at magbabago pa din ang mundo. Lalapit at lalapit pa din ang n. america sa asia. Sabi nga nila, nothing’s permanent. (baduy yung chane is the only permanent thing in the world.)

Ating tandaan: Lahat ng tao naiintimidate (pwera kay Bruce Lee.)(kasi patay na siya.). Pero wag mong papabayaang mag fail ka dahil intimidated ka. Lahat tayo pwedeng mag-achieve. Kayang mag-achieve. May karapatang mag-achieve. At hindi lang sa pagsulat. Kaya wag kang magpapadala sa pakiramdam na yan. Malay mo, mag-achieve ka sa layunin mong tanggalan ng korapsyon ang lahat ng uri ng pulitika. (Good luck.)

Hay, wala akong maisip na maisulat. Shit.

P.S.
Tinatamad ako. Ikaw?