Pangarap at Plantsa…

August 5, 2010

May gusto kang gawin. Gusto mo talaga siya kaya gumawa ka ng plano. Sinulat mo na dapat kakaliwa ka muna, tapos hinding hindi ka pwedeng tumigil. Sinulat mo na kailangan mong lumipad patungong Mt. Apo sa loob ng tatlong minuto. Gumawa ka ng watawat. Ipinangako mo sa sarili mong itatarak mo ito sa tuktok ng bundok at ipagsisigawan sa mga puno na nakakain ka ng kinakalawang na plantsa habang sila’y nagkakape.

Iyan ang madalas na plot ng pangangarap. Lahat tayo naisip na yan. Magkakaiba lang tayo ng gustong ending. Marahil, imbes kumain ng plantsa ay gusto mong makakain ng ginintuang arinola. O kaya naman, gusto mong magdisco sa taas ng mga giraffe. O baka gusto mong mapuluputan ng mga ahas. O siguro, tulad ng mga manunuod, gusto mo lang magkape, pero patiwarik. Oo, nakakatawa. At oo, hindi iyan literal.

Tulad ng pag-aaply ng Visa, komplikadong proseso ang pag-abot ng pangarap. Kailangan mong mangolekta ng mga dokumentong patunay na may patutunguhan ka. Kailangan mong pumila ng pagkahaba-haba para patunayang may pasensya ka. Kailangan mong magbayad. Kailangan mong magsalita. At tulad ng pag-aaply para sa Visa, hindi lahat nabibigyan.

Alam niyo bang 10% ng mga Pilipinong nag-aaply ng US Visa ay nadedeny? Alam niyo bang hindi ako sure dun? Masaklap, pero hindi ka naman basta basta idedeny no! They’re Americans, men! Kaya sigurado, may problema ka. May mga dahilan kung bakit hindi mo naaabot ang mga pangarap mo.

Una, mali ka ng plano. Siguro naisulat mo na imbes na kumanan ay kumaliwa ka; na imbes na magsabon ay nagshampoo ka. Tandaan, the smallest things has the greatest impacts. Kung walang atom, walang matter, walang tao, walang ako, walang ikaw, walang pangarap, at walang yogurt. At bakit mo kailangang ilagay na hindi ka titigil? Sure ka bang hindi ka mapapagod? Ay, alam ko na; kasi nilagay mong 3 minutes lang ang time limit.

At yun ang ikalawang dahilan, panahon. Ang pag-abot sa pangarap ay hindi basketball game; walang time limit. Hindi mo kailangang ikulong ang sarili mo sa isang paniniwalang nauubos na ang oras mo kaya kailangan mong magmadali. Sa halip, ilagay mo sa isip mong madaling maubos ang oras mo, kaya lasapin mo ang bawat segundo nito. Kahit pa isang minuto na lang ang buhay mo.

Nasabi na ba sayo ng nanay mo na lahat ng bagay may tamang panahon? Tama siya, swear! Nakakita ka na ba ng mangang namumunga sa September? Tulad ng mangga, seasonal ang pangarap. May mga tamang panahon, may mga tamang timing. Hindi ka pwedeng ice candy sa gitna ng winter, kasi sigurado, malulugi ka lang. Pwera lang kung mainit ang ice candy mo.

Ikatlo, gusto mong lumipad. May pakpak ka ba? Hindi, literally! Diba wala? Iyan ang tinatawag na inappropriate methodology. Bakit mo kailangang lumipad kung hindi ka kailanman makakalipad? At bakit mo kailangang lumipad kung makakatakbo ka naman? Pinanganak tayong may paa, ngunit walang pakpak. Gamitin natin ang paa natin gayong wala tayong makitang pakpak. Kasi kung gusto mo talagang lumipad, kailangan mo ng airplane, na kailangan ng parts, na kailangan ng gasolina, ng piloto, ng stewardess, ng airport. At hindi lahat yon nabibili sa Walter Mart.

Ikaapat, gusto mong pumuntang Mt. Apo. Sa tuktok ng Mt. Apo. Mt. Apo? SURE KA?!? Kailangan kong i-allcaps para maemphasize. Malayo yun. Mataas yun. Madaming abusayap ang nagtatago dun. Yun ang problema; unrealistic kang mangarap. Hindi ako against sa mga mala-Empire State kung mangarap, pero hindi ba mas masaya kung alam mo sa loob mo na kaya mo itong abutin? E sa layo nun, di mo na kakayanin eh (nakatira ka sa North Pole). Para kang nagawa ng ice cream, pero wala kang ref. At isa pa, hindi lang sa Mt. Apo pwedeng magtarak ng watawat. Kahit sa anthill, pwede mo tong gawin. At sigurado, maaalala ka ng mga langgam hanggang sa huli nilang hininga.

At ikalima, gusto mong kumain ng plantsa. Pagkatapos ano? Ginawa mo lahat yun para lang makakain ng plantsa? In short, pointless ang goal mo. Mali yun. Kailangan may mas matino kang dahilan kung bakit mo ginustong umakyat sa Apo. ‘Gusto kong maghunting ng tipaklong.’ O kaya naman may dahilan kung bakit gusto mong kumain ng plantsa. ‘Gusto kong patunayan na kayang maplantsa ang aking intestine.’ Tandaan, walang kwenta ang goal kung wala itong impact.

Ating tandaan: madaling mangarap, mahirap kumilos. At kumilos ka man, hindi siguradong maaabot mo ang mga pangarap mo. Kailangan mong kumilos ng tama, mangarap ng tama. Kailangan ito para makaiwas sa pagkabigo. At mabigo ka man, ayos lang yan. Walang batas na nagbabawal na umulit ng isang milyong beses.

Gusto kong tumakbo papuntang Mt. Buntis. Handa akong kumaliwa o kumanan, o tumigil kung kailangan. Wala akong time limit, buhay lang. At pagdating ko sa tuktok ng bundok ay isusulat ko ang aking paglalakbay para sa kaalaman ng buong mundo. Syempre, habang kumakain ng plantsa.

P.S.

Magcocollege na sa wakas! Woohoo!

3 Responses to “Pangarap at Plantsa…”

  1. nanay wella Says:

    sorry anak di ako sang-ayon sa ibang sinabi mo kasi di mokailangang mag-antay o tingnan kung may pakpak ka para pangarapin mong lumipad. Bakit kailangan mong limitahan ang pangarap mo dahil lang sa tingin mong imposible itong maabot. Kung ganito ang ideya ng lahat ng tao nuon, walang modernisasyon ngayon… walang eroplano, internet at siguro paniniwalaan pa din nilang FLAT ang mundo… Ito lang yan… libre ang mangarap, walang limit sa uri, sa panahon at sa resources… sige lang ng sige… dapat lang may focus,,,hindi determinasyon… at walang sukuan at higit sa lahat DASAl (faith in God)…
    Sinong magaakala na ang dating refugee mula sa china ay sya ngayong isa sa pinakamayamang tao na may-ari ng pinakamallaking chain mall di lang sa Philippines kundi sa Asia… sa interview nya di mo kasasalaminan ng ideya na pangangarapin nya lang maglakad dahil may paa lang sya at di kelan man makakalipad dahil walang pakpak…

    NAKU MAYBE SPEAKING ANAK FROM experience….

  2. Cutenezz Says:

    Lahat ng tao may kanya kanyang pananaw. Hindi naman sa kontra ako sa pangangarap ng mataas. Pero metaphorically speaking, para lang yang pagbebenta ng ice candy sa winter. Gusto mong kumita sa isang imposibleng paraan. Marahil kumita ka nga, pero piso lang. Pero dahil nga walang imposible ay kikita rin ang ganong uri ng business. Kailan? After a century? Maaabutan mo pa ba? Hindi lang basta basta inaccept ng society ang heliocentric theory ni Gallileo G. Kinailangan niya pang mamatay (kamuntik pang malimutan) bago niya matupad ang pangarap niya ukol sa science. Ang point ko, maigsi lang ang buhay, at kung gusto mong masavor ang bawat saglit, abutin mo ang pangarap. Kaya dapat alam mong maaabot mo ang pangarap na ito habang buhay ka pa.:)))

    • nanay wella Says:

      masyadong negatibo ang ganung pananaw. Walang taong nakakaalam ng eksaktong tamang gawin sa loob ng ring ng nagboboksing ng nannonood lamang sya. mas reliable ang asumption nya pag tina try niya. Pano mo nasiguradong in appropriate ang pangaraping makalipad? dahil paa ang binigay sa yong armas? sigurado ka bang ang kinakain mong sibuyas ay di pampatubo ng pakpak? alam mo bang lahat ang plano ng diyos para sa iyo at sa mundong ginagalawan mo, para sabihing ito ang dapat lang na ginagawa mo at pangarapin mo lang!!! Uulitin ko, walang limit ang pangarap, walang limit ang kakayahan ng tao,,, sya ang naglilimit sa sarili nyang kakayanan at diyos ang naglilimit sa buhay nya. Dream on as high as you can, reach out as far as you can, focus as long as you can and fly as high as you can. Di ko kailan man papangaraping maging second dahil meron pa pang first, laging ung pinakamataas ang papangarapin ko, para kung mag fail akong maging first, sure naman akong nasa second. Adjustment lang yan..


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: