The Superficiality of Our Deeds

July 1, 2010

Anti-aging creams, gym memberships, famous brands of merchandise, a mansion for two, temporary bliss over permanent ones. Iyan na nga ang trend ngayon. Sa pananaw ng iba, need. Sa pananaw ko, superficiality. Tamang proof lang na skin-deep na halos ang katuwaan ng mga tao ngayon.

At iyan ang topic natin ngayon: ang superficiality ng modern world. Before we start, let me clear myself up. Wala akong kontra sa mga unang bagay na nabanggit, kasi kahit ako mismo nagamit at nangangarap nung mga yun. Ito lang yung pananaw ko ukol sa koneksyon ng pagiging modern ng mundo, at mga kasiyahang konektado dito.

Okay simulan. First, superficiality on aesthetics. Napakahalaga sa panahon ngayon ang mukha, ang katawan, ang damit, at higit sa lahat ang effort na makuha ang perfection ng mga ito. Yung mga matatandang todo kung mag-exercise, para nang si Buddha na naghahanap ng perfection sa ilalim ng punong mangga (mangga?). Ang pinagkaiba nila, si Lola sa katawan, si Buddha, sa utak. Dati mas mahalaga si pangalawa, ngayon yung una.

Totoo. Pero naniniwala akong need sa panahong ito ang mas magandang mukha, hubog, at saplot. Advantage ito. Kasi ang pagiging superficial natin sa kagandahan ay nagbasde lang sa standards ng society natin. Una, lumaki ang showbiz industry nang di hamak nung 90’s. Madaming mas magagandang artista kay Gloria Romero, Diaz, at Arroyo ang nagsisulputan. Tumaas ang standards ng mga employers ukol sa kagandahan. At ang mga tao, nakisabay sa flow. At yan ang alamt ng anti-aging cream, make-up remover, at sangkaterbang shades ng eyeliner.

Pero, aminin, ang panlabas na kagandahan ay nakakadagdag sa personality plus ng isang tao. Isipin mo, kung napakatalino mo nga pero tighawat kang tinubuan ng mukha, di ka papasa sa job interview. Kung napakabait mo nga, pero ka-size mo si Dumbo, walang lalapit sayo pag nagsocial worker ka. At kahit na gaano ka katalented, kung ang damit parang pambahay lagi, malabo kang manalo sa American Idol. Cheer up, magkakaX-Factor na.

Pero lamang pa din ang idea kong dapat tayong mas magfocus sa intellectual development. And by that, I dont only mean mathematical algorithms of being multilingual. Kailangan din nating idevelop ang ating emotional stability at interpersonal skills. Kasi pag nabasted ka, kahit gaano ka kaganda pero di emotionally stable at nagpakamatay ka, sayang ang beauty mo. Kahit gaano ka kaganda pero wala kang kaibigan, sira ang personalidad mo. At mas mabuti nang masira ang beuaty mo kesa dun.

Pangalawa, financial superficiality. Oo, evident yan! Ako personally, gusto kong magpayaman nang magpayaman hanggang sa humihinga na ko ng pera. Siguro ganun din kayo. Pero naisip niyo na ba kung (bukod sa paghithit at pagsunog nito) saan niyo to gagamitin? Naisip niyo na ba kung (bukod sa pagbili ng sangkaterbang mansion, convertible, alahas, TV, airplane, lupa, at tao) paano kayo pasasayahin nito? At higit sa lahat, naisip niyo ba kung bakit parang ang balimbing ko ngayon?

Kidding aside, superficial ang pangangarap ng sangtoneladang papel na may konting nylon kung, at kung lang, hindi mo alam kung saan mo ito gagamitin. SUperficial din kung alam mong gagamitin mo ito sa mga bagay na alam mong hindi nagpapasaya sayo. Superficial ito kapag kaya mong makipagpatayan para lang sa pera. At superficial ito kung hindi mo narerealize na pansamantalang kasiyahan lang ang dala nito dahil a)nauubos, b)hindi nadadala sa langit, at c)nananakaw.

Oo tama, nananakaw. Kaya nga merong mga snatcher, holdaper, kidnapper, at iba pang -er. Kaya rin merong Erap, Arroyo, at iba pang pangalang gumawa at gumagawa nang gawain nila (And by that, I dont mean mangampanya). Kaya rin may pyramiding scams at corruption. At yan ang alamat ng economic crisis.

Pero sa totoo lang, kahit na nangangarap akong lumangoy sa pera paglaki ko, naniniwala akong ang value ng pera ay superficial kung hindi ito sa maganda mapupunta. Kung gusto mo lang ng malalarong video game, superficial ito. Pero kung collector ka na nangongolekta ng video game, ayos tayo. Kung gusto mo lang ng malaking bahay para may maipagyabang, superficial. Pero kung gusto mo nito para sa pamilya mo, tama lang. Kung nagpapayaman ka lang para sa sarili mo, wala ka. Pero kung para sa ikasasaya ng iba pang tao (at kung nasa last will mo ko), ayos na ayos tayo. Ang bank account mo kasi, magsasara yan balang araw, pero ang impact na nagawa mo sa ibang buhay, priceless, at somehow, eternal.

Ating tandaan: naging essential na parte na ng modernong mundo ang pagiging superficial natin. Pero wag tayong makulong sa trend lamang. Lagi nating tatandaan na ang superficial na bagay ay pwedeng tumalbog sa balat, pero ang totoong mahalagang bagay tagos hanggang laman. At kung swerte ka, baka dumaan muna sa puso bago tumagos.

Sige na. The sermon’s over. Au revoir!

P.S. Madalang akong makakapagblog ngayon. Busy man o hindi, basta kung kelan lang magka mood. Peace out.

2 Responses to “The Superficiality of Our Deeds”

  1. nanay wella Says:

    Deng….

    parang may dapat kang idelete na political names… sssssseditious unnn… ingats… baka kahit nasa US mademanda ka… Over all 5 ang score mo sa kin..Me and your Dad is proud of you.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: