Pagbabago at AIDS…

June 11, 2010

Okay! Tanungan time. Anong bagay ang nagsisimula sa ‘p’ at nagtatapos sa ‘o’ na may dalawang nauulit na pantig at hindi stable. You guessed it! Pagbabago. Yan ang topic natin ngayon.

Sabi nga nila, “The only permanent thing in the world is change.” Naniniwala ako dun. Kasi kung walang nagbabago, dapat nakabahag pa rin tayo ngayon, habang may mga hawak baston at nagchachant ng “Ungga, ungga!” Pero delving deeper into that adage, makikita natin na masyadong paradoxic yung statement. Kung change lang ang permanent sa mundo, ibig sabihin walang permanent. Ibig sabihin kahit ang mga permanent things ay nagbabago, kaya hindi sila permanent. Magulo, pero may sense.

Magulo nga ang pagbabago, madalas unpredictable. Kaya naman may mga taong takot sa pagbabago. Isa ako sa kanila. Bakit nga ba? Una, madaming dalang surpresang dala ang pagbabago, at hindi lahat ng mga ito laging may dalang confetti, party hats, at mga kamag-anak na sumisigaw ng “Happy Birthday!” Madalas may dala silang pandagdag sa buhay mong ayaw mong dumagdag. Kumbaga sa Math, mga negative numbers silang ina-add sa buhay mo na imbes na magdagdag ng positivity, nagbabawas lang. Ayoko ng ganun. Mas mabuti nang makuntento ka sa kung anong meron ka.

Oo, risk taker ako. Pero iba ang pagiging rational risk taker sa pagiging malapit sa pagbabago. Isa pang dahilan kung bakit ayaw ko ng pagbabago ay ang mga risk na dala nito sayo, lalo na kung biglaan. Ayos lang kasi kung paplanuhin mo yung risk na ite-take mo. Kaso pag biglaan, mawawaln ka ng oras para makapag-isip ng tama. Dun na lumalabas yung danger ng risk. Para kang pumasok sa loob ng microwave, tapos nung sumara na yung pintuan, di mo na maisip kung pano ka lalabas. Mahirap ang ganitong sitwasyon, lalo na kung sanay ka sa loob ng freezer.

Ikatlo, ang masyadong pagbabago ay nakakaadik, lalo na kung maganda yung pagbabagong naibato sayo. Madalas kasi pag nabigyan ka ng magandang oportunidad, o ng pagkakataong sumikat, o ng isang kilong bigas (joke.), natitikman mo ang drugs ng tadhana. Mas magiging kang competitive, tataas ang self confidence mo, at maghahangad ka pa ng mas mataas para sayo. Nature nga ng tao ang paghahangad ng mas mataas, e. Pag masyadong pagbabago ang naibato sayo, para kang nagpaplastic surgery; tinapalan ang mukha, dibdib, braso, hita, tiyan, atay, at kaluluwa mo, at pagtingin mo sa salamin, hindi mo nakilala yung tinitingnan mo.

Pero, sa tingin ko wala naman tayong dapat ikatakot sa pagbabago e. Parang anesthesia lang yan na dapat imoderate para makatulong sa surgery ng buhay ng isang tao. At, as usual, tayo ang mga doktor na dapat magmoderate dito. Tayo ang mga mathematician na dapat maniguradong positive yung integer na iaadd ng buhay. Tayo ang mga ekonomistang kailangang magmonitor ng mga risk sa ekonomiya ng buhay natin. At tayo ang mga rehab na dapat magrehabilitate sa kung sa kaling nalululong tayo sa drugs ng buhay. Hay, tayo na naman.

Ating tandaan: Ang pagbabago ay para ng AIDS; walang gamot na makakapigil dito. Pero kaya natin tong imoderate. Karapatan natin tong imoderate. Dapat natin itong imoderate para hindi tayo masyadong maapektuhan. Di tulad ng AIDS.

P.S.
Excited na ko sa college. Yahoo!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: