Sa Pagitan ng mga Linya…

May 18, 2010

Kapag ba ang bahay ay nawalan ng bubong, bahay pa din yun? Kapag ba nawalan ito ng bintana, ng pinto, ng sahig na semento, bahay pa din yun? Pano pag dingding na lang ang natira? Matatawag pa rin bang bahay iyon? Hindi na. Isa na lamang itong ikinulong at ihiniwalay na bahagi ng mundo.

Kapag ba ang puno ay nawalan ng bunga, matatawag pa in bang puno yun? Oo. Sapagkat hindi lahat ng puno namumunga. Ngunit ano na lang ang silbi nito? Hindi niya maibabahagi ang mga dahon niya; kalat lamang iyon para sa mga tao. Ang sariling katawan niya na lang kanyang maiaalay, at sa huli, maging puno pa rin ang tawag sa kanya, patay na siya.

Pag ba ang baso nawalan ng laman, baso pa din yun? Oo. Hindi naman laman ang nagdidikta ng kalidad ng baso. Mas pinapansin pa nga ng mga tao ang disenyo at stilo ng pagkagawa sa baso. At isa pa, hindi lahat ng baso iniiunuman. Yung iba, dinidisplay lang kasama ng mga piguring anghel at mga bolang crystal na may tubig sa loob.

Pag ba ang upuan nawalan ng kutson, upuan pa din yun? Oo. Nilagay lang naman ang kutson para maging mas komportable ang uupo sa upuan. Ngunit, tandaan, parte pa rin ng upuan ang matigas na kahoy sa ilalim ng kutson. Dito lamang pinatong ang kutson, at kung wala nito, walang upuan.

Pag ba ang kusina nawalan ng stove, kusina pa din yun? Paano kung imbes na stove, kama ang nakalagay doon? Kusina pa rin ba yun? Paano kung may stove ka nga, at oven at ref, pero hindi ka naman naluluto? Kusina pa din ba yun? At paano kung may stove ka nga, sira naman, kusina pa rin ba yun?

Pag ba pinili mong hindi magsalita, may bibig ka pa ba? Pag ba pinili mong hindi makakita kahit hindi ka bula, may mata ka pa ba? Paano kung pinili mong mabingi, may tenga ka pa ba? Paano kung pinili mong wag magmahal, may puso ka pa ba? At kung parati mong ihihimbin ang iyong diwa, may kaluluwa ka pa ba?

Pag ba pumatay ka ng tao, hindi ka mapupuntang langit? Pag ba hindi ka naniniwalang may Diyos, mapupunta kang impyerno? Paano kung hindi ka naniniwalang may langit at impyerno, may pupuntahan ka ba?

Paano kung may utak ka, pero wala kang paniniwala? Paano kung may utak ka, pero wala kang alam? Ito lang ba ang sukatan ng lahat? Hindi. At kahit anong mangyari, hangga’t may utak ka, at puso, at kaluluwa, kaya mong dagdagan at bawasan ang meron ka. At laging tatandaan, ikaw ang magpapahalaga sa kung anong meron at wala ka.Dahil ang wala sayong kailangan mo ay parang kusinang walang stove, at ang nasayong hindi mo kailangan ay parang bahay na walang bubong, bintana, pinto at sahig. Buti na lang, may dingding kang pwedeng pagsimulan.

P.S.
Read between the lines. Happy one year sa blog ko!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: