Eleksyon 101

May 10, 2010

Hell has again ascended to Earth. In layman’s term, eleksyon na naman. Madaming nagbago; ang paraan ng pagboto, ang mga kandidato, ang mga hinahangad ng mga Pilipino. Isa lang ang hindi nagbago: ang kaguluhan na dala nito.

Bakit nga ba gumugulo ang eleksyon? Una, at ang pinakainiisip ng mga tao, dahil sa selishness ng mga kandidato. Para kasi silang mga Auto-correct sa MS Word, unstoppable. Pilit nilang ineedit yung mga salitang ine-encode ng mga Pilipino sa software na ito. Pilit nilang nilalagyan ng baku-bakong pulang linya sa ilalim ang mga salita. Ayun, gumugulo tuloy ang screen, dumuduming tignan. At higit sa lahat, hindi siya kayang burahin hangga’t hindi inaalis yung Auto-correct.

Hindi naman ganon kahirap alisin yung Auto-correct, lalo na kung madami tayong nag-iinput ng data. Kaya natin; kayang-kaya. Kaso, paano yung mga bago lang sa MS Word at ang alam lang ay magtype ng magtype, yung hindi marunong mangalikot ng settings nito. Certified biktima na sila. Kaya ang solusyon, magtulungan tayo, or simply magturuan. Kaya nating puksain ang kademonyohang dala ng mga kandidato kung magsasama-sama tayo. At lalo na kung isa lang din ang layunin, kahit medyo imposible yun.

Pangalawa, dahil din sa selishness ng tao. Naniniwala akong walang taong pinanganak nang tanga. Madalas lang, nasisilaw tayo sa mga bagay na maliwanag para sa ating mata, hanggang sa huli, bulag na tayo. Kumbaga ang wisdom ay nasa mata natin. Kapag nabulag tayo hindi na natin magagamit ang wisdom natin. At ang tatatak sa isip natin ay ang huli nating nakita–ang liwanag mula sa kasamaang ating nagustuhan.

Mahirap na bansa ang Pilipinas. Kaya hindi na nakakabigla kung madaming Juan ang naakit ng kayamanan. Ika nga, money is the source of all evils, although it is an important evil. Pero the goodness of money doe not compare to the goodness of the heart. Yun nga lang, hindi nakakabusog ang goodness of the heart.

Halos wala nang solusyon ang problemang ito. Sa bansa kasing ito, tao ang pinakamakapangyarihang (or at least dapat) factor sa eleksyon. Tao naman ang magdedecide diba. Pero tao din ang kadalasang gumugulo dito. Ibig sabihin Tao vs. Tao. Pilipino vs. Pilipino. Ang tanging solusyon lang dito ay gyera, hindi ng pisikal, kundi ng prinsipyo at intelektuwal. Hindi naman kailangang magpatayan pa para lang masolusyonan ito. Kailangan lang na buksan ulit natin ang mga napinid na mga mata ng ibang Pilipino. Hindi tayo pinanganak ng masama, kaya san man tayo manggaling, nakabaon pa rin sa pagkatao natin ang kabutihan. Hugutin natin ito at huwag ng ibaon ulit.

Pero hindi naman talaga problema kung magulo ang eleksyon o hindi. Kung sino ang mananalo. O kung may eleksyon o wala. Kung gusto natin ng pagbabago, simulan na natin ito. Huwag tayong maging pako, maging tayong martilyo. At kung may mga pako pa ring ayaw bumaon, pukpukin natin sila. Dito magsisimulang tumibay ang pundasyon ng ating bahay, ng ating bansa. At dapat lahat willing na pumukpok o mapukpok. Kasi kung marami man ang naipako, kung hindi naman lahat, magigiba at magigiba ang pundasyon. Wala pa ring patutunguhan.

Ating tandaan: Huwag tayong umasa sa eleksyon, sa pulitika, o sa gobyerno. Tayo ang dapat magsimula. Tayo ang puwersa. Tayo ang magdedesisyon ng ating kinabukasan. Tayo ang kompas na magdidikta ng ating patutunguhan. At kung gusto natin ng pagbabago, tayo ang magsimula. Dapat tayo ang maging pagbabagong hinahangad natin.

Vote wisely people.

P.S.
Vote wisely. Yun lang naman eh. LOLS.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: