Neurosticism?

May 6, 2010

Neurosticism. Narinig nyo na ba ang salitang yan, o naisip nyo na bang pwede palang magkaroon ng nakabubulol na salitang tulad niyan? Salamat sa pagkaadik ko sa personality tests, alam ko na kung ano iyan. Iyan ang pinaikling (at pinakomplikadong) version ng “emotional stability”. At sakto, yan ang topic natin ngayon.

Emotional stability refers to the state in which, well, you are stable with your emotions. Ibig sabihin hindi ka madalas magkamood swings, hindi nagfafluctuate ang emotions mo, at nakokontrol mo ang sarili mong damdamin. This also refers to the extent of composure you can exert to yourself, thus, calming down in certain situations. At higit sa lahat (napatunayan to.), ito ang tumutukoy sa probability mong mabaliw.

Paano nga ba matutukoy ang level o emotional stability mo. To clear it up, inverse ang relationship ng percentage ng neurosticism at emotional stability. Sa hypothesis ko, mas mababa ang neurosticism mas stable. Hypothetic example: kapag 1% ang neurosticism mo, napakakalmado mo na tipong kahit mamatayan ka, di mo iniinda. Kapag naman 100% parang magpapakamatay ka na pag namatayan ka, kahit kuko lang yung namatay.

90% ng mga depressed ay emotionally unstable. 53% ay lalaki at 36% babae. Marahil dahil ito sa pagkikimkim ng mga lalaki. Yung natitirang 1% naman, no comment sa gender o gender orientation nila. Marami ring hypochondriac ang mataas ang neurosticism. Halos 50% yung mga unstable sa kanila. Sa mga nagdedelusion naman, halos lahat sila unstable. 97% ay unstable, 45% ang lalake, 52% ang babae, at 98% ang natutulog ng nakatiwarik. Lahat yan, hypothesis lang.

Pero, seriously, nakadepende sa lebel ng neurosticism at emotional stability mo ang magandang interaction mo sa mga tao sa paligid mo. The more stable you are, the more calm and friendly you are with people. Mas madali ka ding makahanap ng kaclose (at makakuha ng chismis) kasi mas rational kang mag-isip at yan ang gusto ng mga taong humihingi ng advice dahil sa malalabyrinth na lovelife o mga gender issues.

Pero, not all that glitters are gold. Hindi ko naman sinasabing kumikintab ka pag emotionally stable ka. My point is that, being too emotionally stable is bad for you interpersonal relations. Kasi minsan chill ka pa din kahit na super tragic na nung mga nangyayari sa paligid mo. Minsan kasi mahirap makilipad kung alam mo sa sarili mong magkaiba kayo ng balahibo. Pero hindi mo rin naman kailangang maging unstable para bumagay. Baka naman mas umiiyak ka pa sa break-up ng bestfriend mo. Dapat balanced. Dapat hindi ka masyadong unstable na parang ikaw ang nasaktan, at hindi rin naman dapat masyadong stable na parang di mo sya naiintindihan (kahit minsan hindi nga). Dapat emotionally stable o unstable ka sa tamang lugar, sa tamang pagkakataon.

Ating tandaan: Dapat matutunan nating alamin at manipulahin ang sarili nating damdamin. Atin kasi yan eh. Emotional stability does not promise self and interpersonal success, pero naipapangako nitong magiging mas maayos ang takbo ng buhay mo. At alam niyo bang pag emotionally stable ka, malayo kang magkaron ng hi-blood, diabetes, chronic failure, stroke, heat stroke, cancer, kidney failure, leukemia, at hadhad? Paano napatunayan? Hypothesis.

Hay. Medyo gumaan ang pakiramdam ko. Adieu!

PS:
Ilang paragraph to? Parang ang igsi ah! Salamat sa pakikinig, WWW!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: