Sino Ka?

April 27, 2010

Huy, psst! Oo, ikaw; ikaw na nakaupo sa harapan ng iyong computer habang naghahanap ng mapaglilibangan sa internet. Sino ka nga ba? Ikaw ba ang pisikal mong anyo, na itinuturing ng ibang supericial at skin-deep lang? Ikaw ba ang natural mong pag-uugali, na mas pinahahalagahan ng iba? Ikaw ba ang intelektuwal mong diwa at akademiko t pilosopong kaanyuan? O ikaw ang iyong mga salita, ang mga talsik ng laway na tumatarak sa hangin?

Sino ka? Sino ang ‘ako’? Sino ang ‘ikaw’? Yun lang bang nakikita, naoobserbahan o nadarama mo ang ‘ako? Ang ‘ikaw’? Kanino ang ‘akin’? Kanino ang ‘iyo’? At higit sa lahat, mahalaga ba ang mga ito?

Sino ka? Ikaw ang ikaw na iniisip mong ikaw. Ikaw ang itinatatak mo sa utak mong tao, ang iniisip mong anyo. Ikaw ang diyos ng sarili mong diwa. Ikaw ang magdedesisyon at magpapahayag ng kung sino ka. Sa iyo, at sa wala ng iba, nakasalalay ang magiging ikaw. Ikaw rasyonalidad, ikaw ang praktikalidad. Ikaw ang awtoridad sa taas ng iyong diwa.

Sino ka? Ikaw ay ikaw. Walang magagawa ang iba sa pagbabago ng iyong ‘ikaw’. Walang karapatan. Ikaw ang diyos ng sarili mong diwa, at sila ang diyos ng kanila. Wala silang karapatang manghusga ng ginawa mo sa sarili mong katawan, sa parehong`paraan na wala ka ring karapatan. Parehas kayong diyos, ngunit sa magkaibang mundo lang. At hindi mo pwedeng husgahan ang isang mundong hindi mo pa napapasok o naiintindihan kung para saan.

Sino ka? Hindi ikaw ang ipinakikita mo sa iba, o ang nakikita ng iba. At lalong hindi ikaw ang idinidikta ng iba. Ikaw ang nilalang na nakikita mo pag ikaw ay mag-isa. Ikaw ang pag-uugali mo tungo sa sarili mo. Ikaw ang nakikita mo sa sarili mo, at hindi ang ipinakikita mo sa ibang tao–kung magkaiba an yun.

Sino ka? Ikaw ang tatlong librang karne sa loob ng iyong bungo. Ikaw ang buhul-buhol na nagsisilbing daanan ng mga kuryenteng nagpapaandar sa katawan mo. Ikaw ang mga drawer sa pasikut-sikot na ito na naglalaman ng mga dokumentong nagdidikta ng mga pananaw mo, ng mga prinsipyo mo. Ikaw ang pilosopo mong pag-iisip, ang diwa mong di nauubos.

Sino ka? Ikaw ang iyong mga pangarap. Ikaw ang natatanaw mong bituin sa dulo ng madilim na gubat na salamin. Ikaw ang nakikita mong repleksyon habang naglalakbay sa dilim. Ngunit ibang tao ang ilaw. At sa tulong nila, mababago o mapapanatili mo ang korte ng repleksyong ito, depende sa nais mo, at sa nais ng mga bombilya sa paligid mo.

Sino ka? Ikaw ang pinakamahalang entidad sa mundo. Ikaw nga ang diyos ng iyong diwa, at tungkulin mong pangalagaan ito. Hindi mo kailangang isugal ang sarili mo para sa katauhan ng iba, dahil may sarili kang katauhang kailangang tulungan. Ngunit hindi ipinagbabawal ang pagtutulungan ng mga diyos. Kailangan mo lang unahin ang nilikha mo bago ang nilikha ng iba, tulad ng pag-una nila sa nilikha nila bago sa iyo.

Sino ka? Sino ako? Sino tayo? Ito ka. Ito ako. Ito tayo. Mga tao sa mundong ito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: