Life is Never Fair!!!

April 13, 2010

Mahirap palang makipagsapalaran sa ibang mundo. Well, not literally. Pero sa pagpunta ko sa US nito lang, nanibago ako. Sobra. Madaming iba; weather(nakakabulutong), modes of transportation(namiss kong pumara!), language(nosebleed). Walang halaman, kasi madisyerto. Hindi rin makapag-party people, kasi diba pag mag-isa ka lang, hindi yun ‘people’ kundi ‘person’. Walang masyadong lumalabas ng bahay, madami daw adik. Walang panucha, walis tambo, loam soil, SM, Jollibee, sari-sari store, tricycle, Gloria, Villar at Noynoy. Madaming wala, madaming bago.

At tulad ng Pilipinas na matinding magdrama sa dami ng issue, ganon din dito. Isa na nga sa mga drama ng Estados ay ang racial discrimination. Uso pa pala yun? Hindi pa naman nangyayari sakin to, pero madalas mangyari yun dito. Siguro nature na talaga yun ng isang lugar kung saan may sangkaterbang uri ng tao. Sa amin, merong Asian, Hispanic, White, American Indian. Sa mga Asian dominant ang mga Filipino, Chinese, at Indian. Marami ring tribo ng American Indian tulad ng Navajo. Di tulad ng ibang States, wala masyadong black dito, pero kahit na ganun, madami pa ding galit sa black. At as always, ang pinakasuperyor, pinakamayabang, at pinakaracist ay mga white. Buti na lang mura ang Dove dito.

Tulad ng mga nabanggit, ang racism ay isa lamang sa patunay ng di pagkakapantay-pantay o unfairness ng buhay. Sabi nga nila, “Never expect life to be fair.” Sakto! Kasi kung fair ang buhay e di walang racism. Wala ring awtoridad. Hindi sisikat si Villar, si Noynoy, si Gloria. Wala na ring matinong definition ang maganda at pangit, kasi pantay na lang sila. Wala nang sikat at laos, cool at hot, obese at anorexic, at babae at bisexual. Mawawalan ng comparison, mawawalan ng competition. In short, mawawalan ng definition ang madaming adjectives, at Yehey, ninipis ang diksyonaryo.

At dahil nga wala nang comparison, mawawalan na ng top ten hits ng OPM sa 101.9 tuwing Sabado. Mawawalan din ng trabaho ang mga taga-Nielsens kasipantay na ang ABS at GMA. Pwede na ding kuhanin ng Louvre ang doodle ng isang sanggol at itabi sa Mona Lisa. Wala nang iba’t ibang uri ng pagkain, kasi lahat naman sila pagkain. At higit sa lahat, mawawalan ng sense ang Kama Sutra ng Cosmo, kasi lahat naman yun pakikipag-anuhan.

Pero aminin natin, kailan ba naging fair ang buhay? Madalas kung sino ang nag-invest ng malaki siya ang naiiscam. Yung naghirap para sa pangarap, hanggang paghihirap na lang. Minsan naman naghirap ka nga at nagtagumpay, pero mas matagal pa ang paghihirap mo kesa sa tagumpay, kasi babawiin din sayo agad ng tadhana ang kapalaran mong mala-mansanilya sa ginhawa. Para ka lang pumila sa Zagu, mas matagal pa ang ipinila mo kesa sa ininom mo ng dinurog na yelo na sinamahan ng sago.

Isa pa, sa pag-ibig. Hindi porke’t nain love ka, maiin love din siya sayo. Minsan paghihintayin ka ng pagkatagal-tagal, pero wala namang mapoprodukto. Minsan naman kahit ibigay mo pa ang puso mo, literally, sa mahal mo, ang maisusukli lang niya sayo ay tili, hanggang dun lang. At kadalasan, kahit kayo na, hindi niya pinaprioritize ang relasyon niyo tulad ng pagpaprioritize mo, kaya wala ring nangyayari. Hay, buhay. Hay, pag-ibig. Buti na lang wala akong love life.

Hindi fair ang buhay. Hindi magiging. Wala na tayong magagawa kundi makibagay. Kumbaga yun na ang tradisyon ng tadhana, at ginawa lang tayo para i-utilize ang tradisyong ito para tumungo ang direksyon ng ating buhay sa kaunlaran. (Iboto para sa presidente.)

At para mas gumaan ang pakiramdam natin, isipin na lang natin na lahat ng bagay ginawa para sa isang dahilan. Isipin niyo na lang kung super fair ng buhay. Kung di niyo maimagine, balikan niyo yung mga binigay kong crucial examples ng consequences pag super fair ang buhay. Nakakatorete, diba? Ginawang unfair ang buhay para majustify ang ibang aspeto ng mundo. Isipin niyo, palagi bang maganda ang buhay? Pag ba namatayan ka ng lolo, ng tatay, o kahit ng aso, maganda pa din ang tawag dun? Dahil unfair nga ang buhay, nabibigyan ng kahulugan ang muntik nang maging hiwaga. Matatawag mo nang pangit ang buhay pag ganon. Justified.

Ating tandaan: Unfair nga ang buhay. That’s a fact. Pero hindi tayo dapat magpadala sa fact na iyon. Hindi tayo tulad ng mga isdang tabang na inilagay sa aquarium na saltwater. Tayo ang mga bato doon na nilulumot, nababangasan, pero kahit saang uri mo pa ng tubig ilagay, o kahit alisin mo sa tubig, hindi sumusuko. Wag nating gawing dahilan ang unfairness ng mundo sa pagsuko natin dahil isa lamang yan sa mga obstacles ng mundo, at marami pang iba.

Sulong, laban, wag uurong!

Adios, pipz.

P.S.
Wala akong mai-PS. Magkoment naman kayo! Salamat!^^

One Response to “Life is Never Fair!!!”

  1. nanay wella Says:

    Galing… Nakakaaliw talaga!!! Two thumbs up!! I recoommend this to all… Tita rizzzza basa na….hahaha


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: