Love Sick

March 30, 2010

It’s been pretty busy around here. Let me take you from the top. March 28 marked our graduation day. And, due to insistent campus demand, the school had its very first graduation ball. That was the longest night of my night, I think. At yun din ang pinakaintense. Hearts nearly exploded, energy levels went beyond the limit, ‘fun’ was defied, and of course, much tears rivered; enough tears to break my heart. Disregard all the less sufficient events that night, we’ll focus on the lonesome part (oo, pessimistic ako!), the part brought about by love.

“What good is love when it keeps on hurting me?”

Nalulungkot talaga ako. I don’t think the drama was enough to make me hurt so much, but i became terribly sorry for the many hearts broken that night. Bigla ko tuloy naisip kung ano ba talaga ang halaga ng pag-ibig sa mundo ng tao. Bakit nga ba ang lakas ng impact ng emosyong ito sa buhay ng tao? Bakit nga ba masyado nating pinakikialaman ang mga bagay-bagay associated with it? At higit sa lahat, bakit natin pinapabayaang masaktan tayo nang dahil sa isang emosyon, isang HAMAK na emosyon?

Consider these facts. The world’s total population is 6, 602, 224, 175. The ratio of females to males is 1:0.99. Ibig sabihin sa bawat isandaang lalaking liligaya sa pag-ibig, may isang babaeng ngangalngal. Pero ayon sa CIA, in ten years mas lalaki na ang population ng females kesa males. Ibig sabihin, mas maraming pusong sawi. At mas nalulungkot ako.

Sabi nga ni Ricky Lee, may quota raw ang pag-ibig. Tingin ko wala naman, kasi kung titingnan natin, ang ratio ng male to female ay halos equal lang, therefore I conclude na talagang may mga taong tinadhanang maetsapwera lang. Tingin ko mayroon tayong isang nakatadhana para sa atin, na kailangan nating hanapin o hintayin. Ang mundo ay parang malaking basket na puno ng naghalo-halong sapatos. Lahat merong kapartner, pero yung iba minalas na mamisplace yung kapareha.Wala na siyang magagawa.

Ngunit yung mga sapatos na may pair na, pwede pa ding mawala. Minsan yung mga sintas nila ay nakakalas, at natatapakan nila ang isa’t isa. Minsan naman, bigla na lang nagiging silang parehong kaliwa o kanan, kaya hindi na sila talo. At yung iba, nabubutas na ang swelas sa tagal nilang naglalakbay. Ibig sabihin mawawalan at mawawalan tayo ng kapareha pagdating ng panahon.

Kaya bakit pa natin kailangang tipirin ang space sa ating tiyan tuwing may naiinlove? Bakit kailangan pa nating maging busy sa pagpuputok ng sangkaterbang bulkan sa ating ilong tuwing may napupusuan? Bakit kailangan pang mag-alaga ng eyebags sa pag-iisip sa kaniya gabi-gabi? Bakit kailangan pa nating magtiis gayong sa love naman pala ay walang happy endings? May happy endings nga ba? E diba lahat naman ng swelas nabubutas? Kaya bakit kailangan pa nating magsapatos kung alam naman nating pagsasawaan pa natin to? At higit sa lahat, bakit kailangan pa nating tiising suotin ang mga ito kahit na di komportable sa paa, na tipong habang tumatagal ay sumasakit na?

Sabi nila, “The most important thing in the world is to love and be loved.” Nga ba? Para sa akin kasi, this kind of love brings you happiness, yet only TEMPORARY. Why do people prefer temporary happiness than just being adequately emotionally nourished? E diba mas malungkot tanggapin ang pagkawala ng isang bagay na napasaya ka kesa sa hindi pagpunta nito sa buhay mo?

At isa pa, bakit andaming taong nabobobo nang dahil sa pag-ibig? Ibinibigay nila ang lahat sa minamahal nilang hindi nila alam ay ginagago na pala sila? Hindi ba nila alam na noong unang panahon yung mga ganong resources ay pinagaawayan pa ng mga organisms para lang makasurvive? Bakit may mga taong pinahihirapan ang sarili kapag in love? Hindi ba nila alam ang hirap na naranasan ng ina nila, na hindi naman ginustong maging masokista ang kanilang anak, nung pinanganak sila? Bakit may mga valedictorian, cumlaude, at Ph. D. na nagpapakamatay kapag nabasted? Ganon ba talaga kahirap ang mga equation para makasurvive sa love, o baka naman hindi nila nasaulo ang history ng love kaya sila nagsuicide?

Alam niyo ba na ang love ay resulta lamang ng iba’t ibang chemical reactions sa ating brain na naglalast usually for 12 to 18 months LANG? Ibig sabihin kaya nating kontrolin ang pagpoproduce ng mga chemical na ito, since tayo ang nagmamay-ari ng ating katawan.E bakit may mga taong tila sinasamba ang love? E diba sa sarili nila nagmumula ang love? Ibig bang sabihin non ay self-worship?

Madami nang nangyaring katangahan ang nangyari dahil sa love. 80% ng mga kanta ay tungkol sa love. Ang 6th most asked question sa WikiAnswers ay “What is love”. 50% na yata ng American movies ay tungkol din sa love. Isama niyo pa yung mga taong natatanga dahil diyan. O diba, sangkaterba?

Hindi naman ako anti-love. Pero hindi ko maiwasang magtanong. Why do they deserve that? Timbangan nga ba ang mundo, na kung sino yung mabait ay siyang nagiging successful sa love? kailangan mo nga bang gumawa ng wishlist tulad ng ginagawa mo tuwing Pasko para mainlove sa taman tao? O baka naman mong magdasal nang magdasal para mainlove?

Ating tandaan: Every gift has a price. Ang bawat kasiyahan ay may katumbas na sakit. Temporary lang ang love. Kaya sulitin niyo na hangga’t nandyan pa. At huwag magpapabobo, kasi emosyon lang yan na gawa-gawa ng utak mo, hindi ng puso. Get real, kasi in the end, fantasies are still fantasies, and reality is still the real deal.

To all my wrecked up friends, Cheers to all you’re hearts which, I hope, will soon mend!

Getting sick of all this stuff.

P.S.
Love yung ikapitong sanhi ng stress, therefore tapos na ang aking blkog series! Happy grad people!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: