Ang Ikaanim na Dahilan ng Stress…

February 28, 2010

Hello, blogworld! Nakakamiss naman. Pasensya kung two weeks ko tong di napakialaman. Ngayon alam ko na ang tunay na ibig sabihin ng ‘busy’. Haha. So ano, I’m back, are you? Let’s go!

Ang ikaanim na dahilan ng stress ay fears, takot. Sabi nga ng isa kong teacher, ang TAKOT ay AKO na nakakulong sa dalawang T. Upang maging mas maalwan ang buhay, kailangan mong palayain ang AKO mula sa mga T.

Pero paano nga ba nagiging dahilan ng stress ang Takot. Una, pag takot ka, lumiliit ang mundo mo. I mean, naransan mo na ba yung yung pakiramdam na may tinataguan ka kahit wala. Yung tipong tinotorture mo ang sarili mo sa mga ideyang sayo lang din nanggaling? I bet, naranasan nyo na.

Pangalawa, kakabit ng fears ang misconceptions. Takot kang makasakit ng tao, kaya pag di ka pinansin ng isang tao, iisipin mo na may nagawa kang masama sa kanya, kahit wala. Takot ka sa uod, kaya pag nakakita ka ng isang creature na nakabalot sa dahon, aakalain mong uod yun, kahit di talaga. Dahil on, kakabahan ka, gagawa ka ng mga bagay na di mo plinano, irasyonal. Tapos maiistress ka ng todo-todo sa pag-iisip ng solusyon. Tapos malalaman mo na di pala totoo, tapos dun na mapapahiya ka. At dun na magsisimula ang tunay na dahilan ng stress.

Ako, madami akong kinatatakutan. Takot ako sa uod, sa niknik, sa talong, sa gitna ng dagat, sa bolo, sa hospital, sa bangkay, sa grasscutter, sa kamatayan. Pero yung mga takot na yun, sa tingin ko, ay super superficial. Kumbaga ambabaw, at napakadaling solusyonan. Pero this past few days, nalaman ko ang tunay kong takot. Takot akong matakot.

Kaya naman, when confronted by fears, i tend to run, to escape. Pero sabi nga ni Sidney Sheldon sa The Sky is Falling, “When you run, it chases after you. And it catches up.” Kaya naman, mali yung paraan ko. Kasi kung tatakbo ka nga lang nang tatakbo, hahabulin ka lang nito. Disadvantage para sayo to, kasi imbes na mag-go slow ka, tatakbo ka. Hindi mo na maaalalang may mga wonders pa sa paligid mo. Masasayang ang pagkakataon mo. At ang masama pa, hindi ito titigil sa paghabol sayo, kaya patuloy kang tatakbo, hanggang sa wala ka nang tatakbuhan.

So, ang pinakamabisang solusyon ay ang napakalumang paradigm, ‘Face your fears’. Well, it makes sense. Kasi kung haharapin mo ito, e di matatapos na agad yung paghihirap mo. Hindi ka na mapapagod sa pagtakbo, at makakapagstroll ka pa upang ma-enjoy ang mundo mo. Mas maaapreciate mo ang buhay. At hindi ka pa ma-iistress.

Ating tandaan: Hindi masamang magkaroon ng takot dahil parte na ito ng buhay ng tao. Pero masama ang patuloy na matakot. Hindi naman tayo ginawa para matakot lang. Binigyan tayo ng utak para mag-isip, katawan upang kumilos, at nilagay tayo ng Diyos sa itas ng organization of species para magkaroon ng tapang at lakas ng loob. Kaya nating labanan ang ating mga takot, kaya nating manalo. Nasatin ang choice, kung mapagod sa pagtakbo o harapin ito at lumakad na lang sunod.

Nawa ay lumaya na ang ating mga ‘ako’ mula sa loob ng mga ‘t’.

That’s it guys!

P.S.
Hay. Ang busy talaga. Pero salamat sa pagtangkilik sa mga blog ko. Excited na kong magcollege!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: