Ang Ikalimang Dahilan ng Stress…

February 15, 2010

Alam niyo, may mga pagkakataon pala sa roadtrip ng buhay kung saan tuluyan nang mahahati sa dalawa ang highway na iyong tinatahak. Sa mga pagkakataong ito, kailangan mo nang piliin kung ano ang gusto mong maging ikaw. Hindi naman pwedeng jack of all trades ang drama mo palagi eh. Dito, kelangan mo nang pumili ng isa, left or right.

At diyan nagmumula ang ikalimang sanhi ng stress: Pressure. Pressure as in the force that uncomfortablt motivates you. Yung tipong ayaw mo na nung tinatrabaho mo, pero naitatak mo na sa isip mo na kailangan mong matapos ang gawaing ito, at kailangan mong may ma-impress. Ang tendency tuloy, patuloy ka sa pag-iisip na kailangan mong galingan, at nagiging mapili ka sa istorya. Sabi nga nila, ang isang manunulat na mapili sa istorya ay lalong nilalayuan nito, kaya wakatuloy maisip na matino, or at least para sayo ay matino.

Sa tingin ko, madaming pinaghuhugutan ng pressure ang mga taong katulad ko (ay talaga?) sa mundo. Unahin na natin ang pinakamabisang tagabigay ng pressure saten. Pressure from the society. Society, meaning yung kapitbahay, kakilala, kaibigan, at kapamilya mo. Aba’y kadaming tao niyan! Kaya naman pag napressure ka nang dahil sa kanila, supah dupah stressed ka agad.

Isang matinding halimbawa ng pressure from the society ay etong nagyayari saken ngayon. I personally want to pursue writing, so I plan to take Journalism in college. Kaso mga kapamilya at kakilala ko, kung anoano ang pinipili para sa akin; doktor daw, teacher, engineer, meron pa nga mahikurista. Ayaw ko nga nung huli, mas gusto ko magtataho. (no offense people!)

Sunod naman ay comparison, lalo na kung kinokompara ka sa isang taong labis na mataas ang level sayo. Marahil ang taong ito ay tatay mo, kapatid, pinsan, mentor, bestfriend o kung ano mang malapit sa pagkatao mo. Madalas ay eexpectin ng mga tao na katulad ka nila, na kaya mo ang ginagawa nila kahit na para sayo, kaek-ekan lang ang mga pinaggagawa nila.

I personally believe na mali ang ganung uri ng conception. Tulad nga ng sinabi ko sa mga una kong blog, hindi ang puno ang bunga, at pwedeng madegrade ang kalidad ng bunga depende sa pagkaharvest nito. Pero lahat tayo ay may sari-sariling kagamitan sa mundo. We should serve our own purpose, so first, we need to discern that certain purpose, para naman me patunguhan tayo sa buhay.

Lastly, pwede ring mangaling ang pressure sa kaisa-isang tao. Ironic, right? Pero pwede yan, lalo na kung sa tingin mo mayroon kang dapat iprove sa kanya. Kung sa tingin mo mediyo wala siyang tiwala sayo, at kung katulad kita, mas maeengganyo kang makipagsapalaran. Kaso nga lang mediyo magiging magulo ang lahat para sayo, kasi ikaw na mismo ang nagkukumpara sa sarili mo. Gusto mong pantayan ang imposible, gusto mong makalipad kahit wala kang pakpak. Pero, this king of pressure should serve as a challenge, kasi ang mga ganitong pressure ay pinapatatag ang ambisyon mo para sa kinabukasan at nagiging training para sa iyong hinaharap. So, beneficial din pala ito, kahit mas disadvantageous pa rin.

Ating tandaan: Kahit sino pang sisihin mo, sa tingin ikaw pa din ang nagdadala ng stress sa buhay mo. Ang stress ay parang yung mga naiipong frustration mo, kaya nagdadala ng sangkaterbang stress. Para maiwasan ito, hindi tayo dapat magpaapekto sa pressure. Isipin natin, challenge ito mula sa tadhana, at i-take natin ang challenge na ito para maging mas matatag ka. At dapat, wag tayong judge ng judge agad, para naman maiwasan ang misconceptions, ang pressure, at ang stress.

Hay, super sapul ako.

Yun lang. Ok.

P.S.
Matatapos na ang series ko!! Nag-eenjoy ba kayo, koment naman kayo kung oo o hindi. Salamat talaga. Gumaan ang pakiramdam ko. Haha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: