Ang Ikaapat na Dahilan ng Stress…

February 10, 2010

Hay, grabe talaga ang Facebook! Hindi ko alam kung cocaine o marijuana, o rexona ba ang sekreto ng developer ng FB, pero nakakaadik talaga siya. Maganda itong pamalit sa rehab centers, mas mura pa!

OK, bago tayo magsimula, humihingi po ako ng pasensya dahil sa isang pangakong hindi natupad. Pasensya na at di ko naipost ang ikaapat na dahilan ng stress nung weekend. Medyo naging busy kasi kami sa pagtatapos ng book namin. Kaya naman di na ko magpapaliguy-ligoy pa! Ang ikaapat na dahilan ng stress ay… misconception! (wala ng sound effects, ayoko nang maging OA.)

“Marami ang namamata-ha-haaaaay, sa…”

Maling akala. Yun ang lyrics na tatapos sa reggae na kantang iyan. And that precisely is a misconception. Maling akala. Nakakatawa lang, kasi sa lahat ng mga dahilan ng stress, ito ang pinakamadalas kong ma-experience. And I’ll tell you how burdening it is.

May dalawang uri, as far as I know, ang misconception. Ang una ay ang mas madalas na mangyaring uri, ang Negative Misconception, o ang pag-iisip ng mga masasamang bagay involving you na hindi naman talaga nangyayari. Kadalasang resulta nito ay ang pag-usbong ng guilt, pride, at anger, which when put in a recipe produces an adequate dose of stress. Notice that two of them are causes of stress. Yung isa naman nakakaburden din, kasi lumiliit ang mundo mo pag dumadami ang kaaway mo.

Dahil sa Negative misconception, nakagagawa tayo ng mga bagay na hindi natin akalaing kaya nating gawin, o hindi natin kailanman dapat matutunang gawin. Example: May isang babaeng pinutulan ng ari ang mister niya sa pag-aakalang me babae ito. Umabot sa korte, at natalo ang babae. Life Sentence ang kay mare! O diba, ang tinde!

Well, hindi maganda ang negative type ng misconception. Unang-una, hindi natin dapat i-judge ang isang tao o matter ng ganun-ganun lang. Pangalawa nakakalimutan nating maging rasyunal sa pag-iisip. Ikatlo, nahihipnotismo tayong maging brutal, bayolente o insecure. At hindi lamang stress and kaya nitong dalhin, kundi pati trouble.

The next type of misconception is the Positively Approached Misconception, o yung pag-iisip, or more likely pag-eexpect ng mga positive na bagay and getting obsessed to the idea. Example: Yung mga nag-oodisyon sa American Idol (Ay, ano ba yang pinapanood ko!) na super expected na mapupunta sila sa Hollywood, pero wala naman talagang mga boses. Parang mga tambutso na naiipit tapos parang sumisipol ng utot, at, at… tama na nagiging sadista na ako.

I have nothing against optimism, pero kung mag-eexpect tayo, dapat yung feasible. Yung may scientific basis. Kasi kung iisipin natin agad ang mga positive sides without considering our capabilities and abilities, sama ng loob ang masasagap mo, which will obviously bring you a lot of stress. Frustrated ka na, stressed ka pa. Combo meal yung nakuha mo!

The best way to prevent Positively Approached Misconception is by not expecting too much, and by devoting yourself more. That way, hindi magiging prone ang loob mo sa kasamaan ng pagkatalo, at pag nanalo ka, flattering pa! Pag ininterview ka ni Ryan Seacrest, mukha kang humble kahit na maldita kang talaga. At hindi ka pa stressed.

Well, anyway, Ating Tandaan: Hinding hindi maiiwasan ang misconception sa buhay ng tao. Sa dami ba naman ng iba’t ibang paraan ng pag-iisip ng mga tao sa paligid, malamang mamimisunderstand natin ang mga iniisip ng ibang tao. So the best way to avoid misconception and stress is by thinking it to yourself, and thinking for yourself. Kung ano man ang judgment mo, sayo lang muna. At wag mo na munang iinterpret ang nakikita, o naririnig, o nalalasahan mo. Umisip ka ng sarili mong paraan. In the end naman, we’re still individuals, thinking and deciding for ourselves through ourselves.

At nawa’y walang mamatay senyo nang dahil lang sa maling akala.

There you go. Adios!

P.S.
Happy Hearts Day nga pala. Don’t forget to say those three precious words to the people you owe it to. It will not cost you a thing, pwera lang kung ako kayo! Peace out!

One Response to “Ang Ikaapat na Dahilan ng Stress…”

  1. enitkk Says:

    dpat kang tlgang i-clap…clap!!!!bravooo…hahahaiii…


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: