Destiny and Fortune…

February 4, 2010

Bago tayo magsimula, aking pinaparating sa mga mambabasa na ang aking blog series ay panasamantalang magcocomercial. At itong blog na ito ang commercial.

Naniniwala ka ba sa tadhana? Naniniwala ka ba sa swerte at malas? Ako, I’ll say no to both. Pero sa tingin ko, magkaiba yun.

Okay, destiny, para sakin ay isang kondisyon, kondisyon kung saan nagaganap ang dapat maganap, at wala kang magagawa upang pigilan o dagdagan ang mga pangyayari. Tipong lumalangoy ka sa tsunami, nadadala ng alon kung saan, whether you like it or not.

Hindi ako naniniwala sa tadhana. Unang una, hindi konkreto ang salitang tadhana. I mean, tao ba si tadhana? Diyos ba siya? May paa at kamay at utak ba siya upang makagawa ng mga bagay? O baka naman may magic wand siyang parang si Fairy Godmother? Ewan ko sa tingin niyo, pero sa tingin ko wala. Tingin niyo ba, meron?

Well, considering the fact na may kakayahan tayo, at di konkreto si tadhana, tayo ang makapagpapagalaw sa ating buhay. Sa tingin ko, production function lang yan (ui, economics…). The quality of outputs depend on the number of inputs you put into the production process. It doesn’t mean necessarily that an outside force is not needed, yet it is not entirely healthy to depend on the outside force. It will always take a push or a pull to make an object move, and it is better to do it in the right direction.

Next, fortune. Swerte, malas. I still do not believe in that. In some ways, related ito sa tadhana. Pero, magkaiba talaga yun. Kumbaga tadhana is the force, and fortune is the output.

Ang point ko, hindi talaga nakatadhana ang buhay ng tao. Kasi, saying na malas ka o swerte ay para na ding sinasabing nakatadhana ang buhay mo. Na kahit na ineffort mo ay, wala pa ring kwenta, dahil malas ka, sabi ni tadhana.

Depending your case on fortune is just an alibi. Naniniwala ako dun. Sa tingin ko kasi, if you fail, you don’t wanna blame others, or yourself, so you blame it on something abstract para di makaganti sayo. Well, there is always a reason behind your failures. Siguro, hindi talaga kaya ng prowess mo, o talagang wala kang kakayahan (parehas lang yun diba?) Siguro, you could’ve done better, but just didn’t see it. Ang nakita mo, malas ka talaga. Kaya minalas ka nga.

Ating tandaan: I have nothing against fortune tellers, palm readers, and feng shui specialists. Ang akin lang, kahit anong sabihin ng bolang crystal o ng mga tarot, o ng makalyo mong palad, nasa iyo ang kapalaran mo. Nasa iyo ang tadhana mo. You should choose your own dream, your own goal, your own path. And you should be the one to choose to live it through yourself.

Go Madame Auring.

Baka this weekend ko na lang ilagay yung ikaapat na installment. Bye!

P.S.
I do not intend na patamaan ang kahit sino. Kung tinamaan kayo, wag masyadong halata. Peace out.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: