Ang Ikatlong Dahilan ng Stress…

January 29, 2010

Gosh. Madami talagang pangyayari sa mundo ang bigla bigla lang nangyayari. Minsan nga, iniisip ko na pinagtitripan tayo ng tadhana! Tipong pinapamukha sa’tin na wala tayong karapatang magkontrol ng mga nakatakda at alipin lamang niya tayo. Hay talaga naman.

Proceeding to the topic, pinagpapatuloy ko ang aking bonggang series! And we’re on the third lap of the race. Ang ikatlong sanhi ng stress ay (drumroll!!!)… Pride! (tenenenen-tenen!)(applause) Sa tingin ko OA na, kaya let’s start the formal session.

Some may call it self-worship, others ego, pero pride, para sa akin, ang pinakamalaking weakness ng mga nilalang sa mundo. In fact, I consder us as vulnerable dahil sa Pride. Ironic, no? Pride dapat ang sense of duty ng isang tao na protektahan ang kaniyang sarili, verbally, emotionally, sometimes physically. Pero I stated na ito ay isang weakness. Why?

Ang pride, tulad ng love, ay sumisira sa natural na wisyo ng isang tao. Binobomba niya ang ating sense of wisdom, Iniitak ang ating pagkamakatao, at pinopromote, tulad ng mga commercial ni Villar, ang pagkamakasarili. Aminin! Lahat tayo ay may sense of pride. Lahat tayo ay may sari-sariling prinsipiyo at paniniwala. At lahat tayo, ini-aim na ipagtanggol ang mga ito kasabay ng pagtatanggol sa sarili. Kaya lahat tayo, posibleng ma-stress.

Uso sa mga kalalakihan yan. Dito sa Pilipinas, para bang may batas ng na-formulate ang Phil. Constitution na bawal umiyak ‘pag lalaki. Kaya alam niyo ba na ayon sa mga research, mas prone ang mga lalaki sa high blood pressure, diabetis, at dismenorrhea, (ay di pala kasama yung dismenorrhea…) kesa sa mga iyaking kababaihan. It is because of the suppressed emotions burdening them deep inside. Tingnan niyo, girls tend to be violent, destructive, and so awfully noisy (and sometimes annoying) when they are upset, angry, or grieving. Ang tanging advantage nila ay nailalabas nila ang mga dapat ilabas, at humahaba ang buhay nila.

Tulad nga ng sinabi ko, ironic. Especially in this case. Yung pride ng mga lalaki ang nagpahamak sa kanilang buhay na tila na-iiscan na lang dahil sa iba’t ibang komplikasiyong dulot ng pride. In a way, naprotektahan ang reputasyon nila bilang lalaki. But in a greater way, sila yung nagpahamak sa sarili nila.

Isa pang uso sa mga boys e yung kaisugan ng ugali, which also means pride. Ika nga, Nakakalalaki. Yung tipong mabangga mo lang sa balikat, kahit di sinasadya e boksing na! Kulang na lang lumakad si Joyce Jimenez sa gitna, at may dalang karatulang may nakasulat na “ROUND 1”, take note all-caps!

Joskoday! E kung di na lang banaman natuloy yung match dahil sa kani-kanilang pride e di sana, walang pasaan, muraan, sapakan, sambunutan, at kalmutang naganap. Di sana me time pa sila upang ma-meet and greet si Joyce. Baka mapa-tv pa sila!

Saglit lang ha… natawa lang ako. Ano na kayang itsura ni Joyce Jemenez ngayon? Siguro lawlaw na yung tong-uts non?

HAY Watever! Bago pa tumungo sa kung saan saan yan, Ating Tandaan: Hindi masamang ipagtanggol ang sarili. Siyempre, instinct yan ng tao. Pero we should be wise enough to determine the limit of our self-defense. Hindi rin kasi maganda yung mapagtanggol mo sarili mo, me nailaglag ka naman. And be careful with too much pride. If I were you, I’ll trash some. Remember, too much pride can kill you, I mean, WILL kill you.

At laging gumamit ng nipple cream. Gagawin nitong firm ang mga nipples at ang ilang parte ng breasts. Isa pa, mas maganda namang tingnan ang pink na nipples kesa sa maitim-itim na violet.

Gumagamit kaya ng nipple cream si Joyce Jimenez?

O siya, maiwan ko na kayo! Adios!

P.S.
Nakakaantok… Wala lang.

One Response to “Ang Ikatlong Dahilan ng Stress…”


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: