Ang Ikalawang Dahilan ng Stress

January 22, 2010

…And that is how my MOST CRUCIAL week ended.(period)

Okay proceeding to the topic, para sa inyo na hindi pa nakakaalam, gumagawa ako ng aking blog series entitled “Ang mga Dahilan ng Stress”. Tinatalakay ko ngayon ang mga dahilan ng stress (Obvious ba?). So far mayroon akong pito, and we will now tackle the second one.

Dilemma, iyan ang second sign. Marahil madami ang hindi familiar sa salitang iyan. Kaya sa tingin ko, kailangan ko uli itong idefine.

I define dilemma as a condition in which a person is caught between two very good/very bad options, and he has to select only one, leading to sacrificing the other option. In short, kelangan mong mamili ng ISA LANG, at yung isa mo pang option, disregarded agad.

Dillema, as all the causes of stress, happens to every one. Sa mga magkaibigan, lovers, graduating, hindi graduating, hindi maka-graduate, mga ama, ina, sanggol, bisexual, bakla, baboy, manok, kalabaw, at iba pang farm animals. At ito ang pinakamabisang paraan ng pagdadala ng stress sa iyong buhay.

A perfect example ng dillema: Lumubog ang barko, nalulunod ang mahal mo at ang nanay mo. Sinong ililigtas mo?

O, so sa tingin ko naiintindihan niyo na. Ngunit paano nga ba nagiging lure para sa proliferation ng problema?

Una, dilemma ang simbolo ng pambablack mail mo sa sarili mo. And in accordance to the first sign of stress, connect to no! Put yourself in the situation, iniligtas mo ang mahal mo at ang hindi ang nanay mo. Hindi ba, nakakaguilty? And, I assure you, na nakakaguilty din if you did it vice versa.
And, as I said, guilt causes a quick dose of stress. Kaya patay ka, stressed ka na.

Isa pa, dillema ang madalas na nagpapahiwatig na madaming oportunidad na ang dumadating sayo. At ito rin ang nagpapahiwatig na nawala na ang mga big break na ito! Losing such chances will make you seek for more. Diba nagdadala ng pressure, na naglelead sa stress.

Those explains everything. Pero para labanan ang dillema, iwasan ang pagiging gahaman. You should always know what your capacity is, and what you truly want. Lagi mong pahahalagahan ang iyong kakayahan. At iwasang ma-pressure. Dahil lahat yan, kahit di sabay-sabay, ay nagdadala ng maiitim na eyebags at mga taghiyawat.

Ating tandaan: Hinding hindi maiiwasang makaexperience ng dilemma ang mga tao sa mundo. Kaya naman if ever you’re into one right now, advise ko lang ay choose wisely. Foresee. Kasi minsan padalos-dalos tayong magdecide, hindi natin naiisip kung ano ang pwedeng sunod na mangyare. At minsan masiyadong deprived ang foresight natin, kaya hindi natin nakikita yung iba pang pwedeng mangyari bukod sa naiisip mo.

Always remember to count your blessings.

Ayun lang, peace out!!!

P.S.
Hai, nakakapagod talaga. Crucial! Ge!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: