Ang Unang dahilan ng Stress…

January 19, 2010

Magandang gabi! Ngayon lang ulit ako nakapagckeck in sa aking tinuturing na online motel. Hehe! So whatever, let’s get to the topic.

Naranasan niyo na bang makaramdam ng pagkamuhi sa sarili niyo sa kadahilanang hindi konkreto? Yung tipong sa tingin mo, nakagawa ka ng pagkalaki-laking kasalanan, pero ang may kasalanan talaga ay si wala? Kung hindi, OP ka! Kung oo, read on; naging GUILTY ka na!

Guilty, galing sa salitang guilt, na ang ibig sabihin ayon kay Mr. Webster ay (sa tagalog) malubhang pakiramdam ng sisi sa sarili. Ibig sabihin, sa tingin mo ikaw ang may kasalanan ng lahat. Sigurado namang lahat tayo, na-feel na to! Kahit nga yung sanggol eh. Imaginin niyo nga, kung nakapagsasalita lang siguro yung sanggol, magsosory yun ng todo todo sa ina niya! Ang sakit kaya nun no!!!

See, lahat tayo nakaexperience na ng guilt! Pero ano nga ba ang pinangagalingan ng guilt? As far as I know, and experienced, may dalawa akong alam na source ng napaka-hindi-komportableng pakiramdam na ito.

Number 1: Sisi mula sa iba. Madalas na nag-aarouse ang guilt sa isang taong sinisisi ng isa pang taong mas superior sa kanya. O kaya naman, sisi galing sa isang taong alam niyang nagawan niya ng mali. Hindi mo rin naman masisisi ang taong nabiktima, malay mo ang laki nga nung naging kasalanan! Ngunit sa aking palagay, lahat tayo nagkakamali, diba? So there is always room for mistakes. HIndi ko rin naman ineencourage ang paggawa ng mga kasalanan sa kapwa mo! Ano ako, saddist?

Hindi ko rin naman ineencourage ang pangangalandak at pagtatanim ng galit sa taong naging reason upang tumaas ang impyerno sa iyong buhay. Hindi lang tama na ipaulit-ulit mo sa kanya ang ginawa niya. Tulad nga ng sinabi ko, there is always room for mistakes. Thus, there will always be room for changes. Bigyan natin sila ng pagkakataong magbago. Malay mo, paglaon ng panahon, mas mabait na sila sayo!

Number 2: Sarili mo. Naalala ko tuloy yung episode ng Spongebob (Aye Aye, Captain!), yung si spongebob nanghiram daw ng lobo, tapos pumutok yung lobo, kaya di na niya binalik. Binansagan niya ang sarili niyang magnanakaw, and he tried to live as a fugitive. Tapos, nang umamin siya, nalaman niya na free balloon day pala. Antanga no?(Ay, ay, captain, o!!)

Alam niyo ba ang ginawa ni spongebob nang isinaksak niya sa isip niyang nagnakaw siya? Naging siyang sobrang defensive, at di naglaon, umalis sa bikini bottom! Yan ang pinaka masamang epekto ng self-guilt. Nagiging kang masokista.

Iyan ang dalawang most common sources of guilt. Sa totoo lang, hindi sila healthy, pero kahit papaano, may maitutulong naman sa iyong self-improvement.

Sa tulong ng arousal (Oi, mga green!!!) ng guilt, malalaman mo kung ano anong bagay ang sa tingin mo o totoong nakakairita sa mga tao sa iyong kapaligiran. Sigurado, kung di ka malditong tulad ko, babaguhin mo yan. Pero be certain sa mga traits na nais (wow, lalim!) mong baguhin, baka naman mapasama pa yung mga asssssssets mo! Remember, always change for the better, and never for the worse! Yan talaga yung key idea eh!

Ating tandaan: There is always room for mistakes. Thus, there is always room for guilt. And furthermore, change is permanent. And remember, too much guilt will kill you!(pwera lang kung madami ka talagang kasalanan.)

Ayun, medyo malabo lang ang isip ko, class dismissed!

PS:
Haiz, wala akong magawa sa bahay… Watcha say if pageffortan ko pa tong blog na toh? comment naman kayo oh! Tnx!

PSS:
Ito nga pala ang unang sequel ng blog series ko na “Ang mga Dahilan ng Stress.” Guilt yung unang dahilan!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: